Biyernes, Setyembre 19, 2014

halimbawa ng pagsusuri

Jose Ben L. Campos
03-02-08
2nd year
Mrs. Ephree

Dekada `70

Ang pelikulang aking pinanood ay isang uri
ng cinema 3 dahil ipinakita nito ang mga karahasan ng ating gobyerno
nung panahon ng dekada '70. naging cinema 3 ito dahil isa itong
dokyumentary na pinagbibidahan ng mga beteranong aktor at aktres.
Magandang bigyang pansin ang mga bahagin nung ipinaglalaban na nila
ang mga karapatan ng bawat Pilipino. Sa sobrang husay ng pelikulang
ito ay karapat dapat itong tumanggap ng iba't ibang parangal. Itong
pelikulang ito ay magandang suriin sapagkat nagtataglay ito ng
maraming aral at ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagiging
Pilipino. Ito ang buod:

Si Amanda Bartolome ay isang babaeng nagsisikap matunton at
maunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng
masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada '70 sa ilalim ng Batas
Militar. Siya ay kumikilos bilang isang ina (sa limang anak na puro
lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si
Julian. Bagama't tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang
kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin kung kaya't lumaki ang kanilang
mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. Dahil
dito'y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si
Jules, naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa
musikang rock n roll si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang
pagiging US Navy bagama't taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid.
Nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming
pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama
nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton
ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan at ng
asawa.

Maganda ang pagkakaayos ng mga pangyayari sa pelikula at madali
itong intindihin sapagkat mahusay at talagang pinagisipan ang mga
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikula. Magagaling din ang
mga aktor na gumanap sa mga pangunahing tauhan sa pelikula dahil
mararamdaman mo talaga ang dinarama ng mga tauhan sa pelikula.
Makatotohanan din ang pagganap ng mga aktor dahil parang totoo na
talaga ang ginampanang papel nila at talagang masasabing mga
beteranong actor at aktres ang mga gumanap. Tama lang ang mga tagpo
sa pelikula wala ka nang hahanapin pang iba sapagkat siniguradong
hindi manghihinayang ang mga manonood. Ang musika at tunog ay
madalas na akma at nagpapaigting sa emosyong nais ipahatid ng
pelikula sa mga manonood. Ang dekada '70 ay isang pelikulang puno ng
kahulugan, lalim at pagtatanong sa tunay na kahulugan at kalagayan
ng kababaihan sa lipunan. Isa itong magandang pelikula ngunit hindi
para sa mga bata sapagkat may mga bahagi na hindi pa nila dapat
masaksihan, ang mga manonood ay dapat nasa tamang gulang. Masasabi
kong isa ito sa mga pinakamagagandang cinema3 sa larangan ng
pelikula.